Wednesday, April 22, 2009

Nocturnal Stories: Tatay Jack

Waw. It's 2am and I'm still up. Haha. Gising pa ako! Oha oha oha.

Bakit nga ba ako gising? (Yeay Tagalog ako ngayon)

Kasi ayaw ko iwan si Tatay Jayvee!

Inaasikaso kasi niya ang yearbook namin... kasi na-worm ulit ang files... at mag-isa lang siya ngayon! Di ko siya kaya iwan, kailangan ko siya tulungan.

Ngayon, wala naman akong talent or what sa pag-layout. Alam ng karamihan na isa sa aking waterloo ay ang ComputerScience. Gusto ko talaga tulungan si Tatay, kaya naghanap ako ng tutulong, at iyon si Cleverlyn Mayuga *applause for Clebb*

Ang kaso, kailangan nang matulog ni Clebb dahil pinagsabihan na siya ng kanyang ama, kaya hindi totally tapos yung last page na hinihintay, kaya kailangan gawin pa ni Tatay. :(

Dahil ayaw ko nang mag-isa si Tatay, sabi ko hihintayin kong matapos niya. Kaso ayaw niya! Gusto na niya ako matulog. Ito nga o:

Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!
Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!
Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!
Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!
Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!
Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!
Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!
Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!
Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!
Jan Vincent Delos Santos: 2log k na!

Haha. Kaya nakipag-negotiate na lang ako. Sabi ko pag natapos ko yung blog post, matutulog na talaga ako. Haha.

So tungkol san ba yung post ko?

Kanino pa, eh di kay Tatay!

San ba ako pwde magsimula? :D


JAN VINCENT TAN DELOS SANTOS
a.k.a. Tatay, JV. Jayvee, Java, at Tatay Jack "ko"

Nakilala ko si Jayvee nung First Year pa kami. Ang unang encounter namin ay nung First Year Local Extemporaneous Speaking Contest. Siya ang contestant ng section niya, Benevolence, at ako naman sa section ko, Honesty. In the end, siya ang nagwagi ng Unang Karangalan. Congrats Tay!

Sunod kong nakilala si Jayvee noong napag-alaman kong siya 'yung 99/100 sa Summative Test sa ComSci. Noong mga panahong iyon, super "wow" ang sinumang mag-excel sa ComSci. Hindi ko alam kung naaalala pa niya pero minsan ko siyang tinanong kung siya ba si "Jan Vincent Delos Santos" noong nasa hallway kami. Sumagot ata siya nun. Di ko maalala. Haha.

Noong Second Year naman, lalo ko siya nakilala dahil super close sila ni Miguel nun (sige mang-asar pa kayo). As in super duper. Hindi ko masasabing naging super close din kami noon, pero kahit papaano nakita ko ang isang mabuting ugali ni Tatay: masipag, responsable, at higit sa lahat, mabuting kaibigan. (Di ko rin alam kung bakit hindi na sila gaanong close, ok?)

Sa Third Year at Fourth Year ko siya sobrang nakilala pa. Noon una nagkailangan pa kami ng kaunti dahil doon sa "Carol Fest" issue. Pero hindi naglaon ay nagkekwentuhan na kami, nagtatawanan, nagtutulungan, naging magkaibigan. (Wow that rhymes! Haha).

Ang galing ni Tatay. Magaling siya sa pag-kwento, sa Journ, sa pag-host, sa pagdrama, sa pagkanta, sa pag-arte, sa pagguhit, at kahit sa pag-joke. Grabe. All-in-one performer at entertainer si Tatay.

Pero ang pinakanagustuhan ko kay Tatay, ay ang una kong nakita sa kanya noong Second Year: tunay siyang kaibigan, walang duda 'yun. Lagi siyang nandyan para sa amin. At lagi siyang handang magpasaya sa kahit sino, lagi siyang handang mag-sakripisyo para sa amin, kahit nahihirapan na siya. Kahit mayroon din siyang sariling problema, paghihirap, suliranin, hindi mo ito mahahalata sa mga ngiti sa kanyang labi at sa masiglang bati niya sa amin araw-araw. Ang gwapo pa naman niya. Haha.

Napag-kwentuhan namin ni Tatay na pwede namin siyang ihalintulad sa isang "Jack-in-the-Box." Siya kasi yung laging nagpapasaya sa iba, laging handang lumabas para magpangiti. Pero ang sabi ko nga, "Ano kaya itsura ni Jack pag nasa loob ng box?" Sa likod ng mga ngiti ni Tatay, nagkakaroon din ng mga pagkakataong malungkot siya. Sabi nga sa "Kwento ni Mabuti" na lesson namin noong Third Year, ang taong nakararanas ng matinding kaligayahan, ay siya ring nakararanas ng matinding kalungkutan.

Ayaw na ayaw kong malunkot si Tatay. Gusto ko lagi siyang masaya. Isa siya sa mga kaibigang mahalaga sa akin. Masaya ako at pareho kami sa Nursing, makakasama ko pa siya.

Tay, Jack. Para sa'yo ang post na toh. Sana nagustuhan mo. Aylabyu Tay. Salamat sa lahat. Tandaan mo andito lang ako. Ako 'yung knob, ako 'yung panyo. :D

No comments:

Post a Comment