Tuesday, May 19, 2009

Malas? Haha

Dahil napagod ako kahapon, magtatagalog ako. Yehey.

Super pagod ako kahapon. Eh bakit nga ba ako umalis kahapon? Haha.

Una, para isubmit yung request for Form137 ko for UP. Haha.
Pangalawa, para kunin ang yearbook ko sa aking grade school alma mater.
Pangatlo, para bisitahin ang aming best friend na si Karla
Pang-apat, para samahan si Lhannie na bayaran ang kanyang ID pic sa UPD
Panlima, dapat, para mag Rob. Haha.

Ikekwento ko lang naman kung paanong hindi natuloy LAHAT nang iyan. Haha.

So, umalis ako ng bahay nang mga 6:30 AM dahil ang usapan namin ni Lhannie 8AM sa Masci. Dahil Monday kahapon, wala akong choice kundi mag-standing sa bus. Hayup ansikip. Grabe. Nung magbabayad na ako sa conductor, nahirapan akong hugutin ang pera ko kaya nilagay ko muna yung envelope na dala ko (ang laman nun ay request for form137 namin ni lean, nursing pamphlet ko at FORM5 ko).

Nakatayo lang ako at hinihintay na dumating na sa Masci ang bus nang bigla na lamang bumagal yung takbo ng bus. Na-feel ko na nasiraan kami at nataranta ako. Nung pinababa kami, bumaba naman ako. Malamang. Haha.

Dapat, San Agustin na bus pa rin sakyan ko para di na ako magbabayad ulit. Pero sa kamamadali ko iba na lang sinakyan ko. Eh di relaxed na ako kasi ok na. Pag dating ko naman ng Taft inisip ko kung nadala ko ba yung request for Form137 ni Lhannie. Doon ko na-realize nang bonggang-bongga na NAIWAN KO YUNG ENVELOPE SA BUS.

Nagpanic ako at muntik umiyak. Hello! FORM 5 KO ANDUN! Pag dating ko nang Masci kung tinext ko si Mama Eden para hanapin number ng San Agustin Bus liner. Tinawagan ko si Dencio (na tulog pa nun) para hanapin sa internet. Tinawagan ko rin si Miguel (tulog din non) para tignan yung mga bus ticket na nasa kanya kung may number ba.

O diba andami kong ginulo? Haha.

Dumating na si Lhannie at sinamahan niya ako sa Lawton Park'n'Ride para magtanong. Tinanungan ko yung dispatcher ng San Agustin. Tinawagan niya kung sinuman ang tinawagan niya para kunin yung envelope ko. Phew. Sobrang relieved ako.

Eh di naghintay kami ni Lhannie NANG SOBRANG TAGAL. Haha. Antagal talaga. Mukhang napansin kami ng mga conductor kaya kinausap kami. Eto mga hayup na conversations:

Conductor: Matagal pa yun! Sa Tagaytay pa 'yun (wehh..) Sakay na kayo dun samin o!
Ella: Ay, wag na po. Antayin na lang po namin. Wala na rin kaming pera.
Conductor: Okey lang 'yun. Maganda naman kayo eh. Libre na.

Conductor: Taga-san ba kayo?
Ella: Maynila po siya (turo kay Lean), Imus po ako
Conductor: (Tingin kay Lean) Kaya pala maganda, taga-Maynila eh

So pangit ako? Haha.

Anyway. Dapat din kasama sa lakad namin si Jonah. Pero dahil nga sa accident ko, di na namin siya naabutan. Sabi pa ni Lean wala siyang phone.

It turns out "hiniram" niya ang phone ng kanyang ina. Tinawagan pa niya kami galing bahay niya. Nang dumating na rin ang envelope sa wakas, nagkita na kami nina Jonah. Pupunta na dapat kami ng Masci para isubmit ung request forms namin kaso lang...

SABI NI JONAH WALA SI SIR ADAMS.

Grr. Kaya nag-jeep kami papuntang Faura. Nag-jeep ulit kami papuntang OB.

Nakatutuwa si Lean. Parang bawat dinadaanan namin tinatanong niya kung nasaan kami. Haha. Tour?

Nakarating na kami nang OB. May renovation na ginagawa. Papasok na sana kami kaso nakita namin naka-post s agate na...

ALL OFFICES CLOSED ON MAY 18 AND 19 DUE TO PERSONNEL DEVELOPMENT DAY.

Nagtanong pa ako sa kanila, "May 18 ba ngayon?"

Parang natawa na lang kami sa sobrang malas ng araw.

Pumunta kami sa katabing Pizza Hut dahil gutom na kami. Bumili kami ng regular sized Pan Pizza at pinagtawanan ang mga pangyayari.

DAHIL WALA NANG ORAS DI NA KAMI TUMULOY KILA KARLA.

Next stop: UPD.

So nag-FX kaming apat papuntang UPD galing Masci. Hayun. Antagal. Nagpa-music nalang ako. BUTI NALANG DALA KO ANG AKING HEADSET. Phew.

Pagbaba ng FX, nag-jeep kami papasok ng UP.

Anlayo ng binabaan namin. Huhu. Anlayo ng nilakad namin. Nagkalituhan pa kung asan ang OUR. Hayyy.

Hayun. nakarating na kami sa OUR. Magbabayad na sana si Lhannie kaso...

CLOSED DAW ANG CASHIER TUWING MONDAY.

Jonah: "Sige Lhannie bumalik ka pag Monday ah?"

Hahahahaha.

So nilakad na naman namin yung sobrang layo para makasakay ng jeep pabalik nang Philcoa. Dito ako super napagod na. Grabe. Siguro papayat talaga ako kung nag-UPD ako. Haha.

So nakasakay na rin ng jeep na antagal din mapuno. Nang makababa ng Philcoa nag-bus kami.

Bumaba si Jonah sa Blumentrtitt, ako sa Lawton, the rest sa Faura.

Soundtrip ulit.

Ay, oo nga pala. DAHIL WALA NANG ORAS AT TINETEXT NA AKO NI MAMA EDEN, DI NA KAMI NAG-ROB.

Pagdating sa Lawton, dala ng uhaw bumili ako ng Zagu Mocha. Haha. Kaya ayun. Pag baba ko ng bus wala na akong pera para sa tricycle. Dahil low on funds, nag-jeep na lang ako pauwi.

Pagdating ko sa bahay, dumating sina Uncle Homer and family para matulog dito sa bahay. Yehey. Andmaing tao. Haha. Kumain ako at shinare ko ang aking araw.

Nag-soundtrip ulit ako sa kwarto at nag-isip. Dalawa actually ang choices ko sa araw na iyon. Una, ay ang nangyari. Pangalawa ay samahan si Ate Madel papuntang UPLB (first time niya pumunta mag-isa galing Cavite) para asikasuhin ang kanyang DOST account.

Dumating si Ate Madel. MINALAS DIN ANG ARAW NIYA. Grabe

Ang haba ng kwento niya kaya eto nalang:

1. Naubusan ng gas ang sinasakyan niyang van.
2. Di niya alam kung san tumugil yung van
3. Hinuhulaan niya ang mga binababaan niya
4. Pinagsabihan siya ng driver ng jeep dahil bababa sana siya sa bawal. Haha.
5. Kulang dala niyang requirements
6. Nagpa-photocopy siya, pagbalik niya naka-alis na ang officer ng DOST. Pinapunta na lang siya sa office na malayo pa rin.
7. Malayo-layo ang tinakbo at nilakad niya.
8. Na-submit niya requirements niya 2 minutes bago magsara ang Office ng DOST.

O dba. Mag-pinsan talaga kami.

Haha, Pagod akong umuwi sa bahay.

Ayan, nakwento ko na. Mag-eenglish na ako.

-------------------------

I think God is trying to tell me something by giving me such a day. When things like these happen, I try to look on the bright side and decide that if something bad happens, something good is about to be coming. But in days like those, it's hard to come up with good stuff, right?

But then again, other people have gone through worse days. This day may have been miniscule to people who've experienced major tragedies and calamities. If I start complaining about days like these, I can't be any stronger for tougher problems.

So, I decided that if something bad happens, something good is coming up too. It may not be of the same magnitude as whatever misfortune occurred, but I guess it's a matter of how you look at it.

In fact, as bad as the day may have gone, I actually felt happy about it. When things go bad as they did yesterday, you can't help but just be amused at it. That's what we all did. We kept laughing at whatever happened. It would be no use to sulk anyway.

So, let's all keep looking on the bright side. Sometimes it may seem like such a side of life doesn't exist. But I guess all we have to do is blink again, adjust our eyes, and see the light. :)

Just for kicks, I want to share what good stuff happened yesterday:

1. My cousins stayed over and we had an awesome time with each other.
2. Ate Madel and I played on our cousins' Nintendo DS (French lessons)
3. I was with friends I wouldn't trade the entire world for.
4. I had an aweosme time commuting around.
5. I now have a hands-on experience of what it feels like to lose something on the bus.
6. Nakakain ako ng Pizza Hut (trivial, but I simply enjoy it)
7. Nakita ko ang OB. Good enough
8. May mga nakita akong Mascians and teachers sa school
9. Nakainom ako ng Zagu! Yeay.
10. Nagsoundtrip ako. Ang galing ni Lord, usually di ko naman dinadala headset ko peor kahapon dala ko.
11. Siguro naman marami-raming calories ang na-burn ko sa kakalakad db? Haha.
12. Nakita ko si Mark San juan sa KFC. Miss ko na yun.

Pag may naisip pa ako, dagdagan ko. Haha.

Byeeeeee

I can't say I love you right now...

No comments:

Post a Comment